TEEN GOES TO LAST SHOOTING DAY OF 'OKAY KA LANG' AT BAGUIO

by: Joey Diego (Teen Movie Magazine 06/25/98)

Tapos na tapos na ang shooting ng pelikulang Okay Ka Lang na maglulunsad sa tambalan nina MARVIN AGUSTIN at Jolina Magdangal. Ito ang hinuhulaang magpapaangat lalo sa dalawa tungo sa pedestal para humanay sa kasikatan nina Judy Ann Santos at Wowie de Guzman bilang hottest loveteam sa kasalukuyan. Marami ang nagsasabing sila na ang susunod na tatanghaling pinakamainit na tambalan oras na maipalabas ang launching movie nila.

Minsan pa ay gusto naming maibahagi sa inyo ang mga tao sa likod ng pelikulang sinubaybayan namin simula sa umpisa hanggang sa katapusan ng kanilang shooting sa Baguio. Bukod sa dalawang bida ay naroroon din sina Ronaldo Valdez, Gina Pareno, JR Herrera, Meryl Soriano, Jeffrey Hidalgo, Migui Moreno, Vhong Navarro, John Paul Canero, Biboy Ramirez, Mel Kimura at marami pang iba. Hindi rin namin maaring makalimutan si Ms. Hilda Koronel na kasama rin sa movie na gumaganap na ina ni Jolina.

Noong araw din iyon ay dinalaw ni Marvin batang nasa orphanage na malapit lang sa location nila. Kitang-kita namin kung gaano kasiya at aliw na aliw sa kalalaro sa mga bata si Marvin. Parang bata rin ito nakikipaghabulan sa mga batang kapus-palad. Tunay na mahilig sa mga bata si Marvin kaya't kakaibang kaligayahan ang naramdaman niya noong araw na 'yon.

Dumalaw din sa location si Angelika dela Cruz na kinabigla ng buong grupo. Sorpresa itong dumating dahil kasalukuyan din itong nasa Baguio noong araw ding 'yon.

Pagkatapos nang mahigit isang buwan nilang pagsasama sa Baguio ay ramdam na ramdam namin ang closeness ng isa't isa. Mapa-artista man, direktor, staff at crew. Para silang isang pamilya at masasabi nga nilang very memorable sa kanila ang movie na ito. Higit ang kaligayahang naramdaman ng kanilang direktor na si Jerry Sineneng dahil napalapit talaga nang husto ang loob niya sa buong grupo na kasama sa pelikula. Hindi nga niya ininda ang hirap at pagod sa pagtatrabaho dahil nag-enjoy talaga siya.

Well, from all of us here in Teen Movie Magazine, we wish the movie goodluck and may this be another blockbuster hit from Star Cinema.




SOON
PICTURES FROM LAST SHOOTING DAY






JUNE 1998