Katulad ng mga nauna naming coverage sa inyo ng pelikulang ginagawa ngayon nina MARVIN AGUSTIN at Jolina Magdangal ay muli na naman naririto ang inyong lingkod para maghatid ng bagong coverage. This time, nasa huling bahagi na sila ng shooting sa Baguio. Hindi nga namin pinaligtas ang pagkakataong ito dahil naging saksi na rin kami sa namumuong relasyon ng dalawa. Kahit nga napakalayo ng kanilang location shooting ay hindi kami nagsasawang umakyat at bumaba ng Baguio dahil nakakatutuwang pagmasdan ang tambalan ng dalawa at ngayon nga ay kasama sa pictorial namin si Meryl Soriano.
Nag-enjoy kami nang husto sa kakulitan ng tatlo. Game na game silang nagpo-pose sa harap ng aming kamera.
Tungkol naman sa movie, finally ay natapos din ng dalawa ang halos isang buwan at kalahat nilang pagsu-shooting sa Baguio. Pagkatapos nito ay may dalawa pa silang araw dito sa Manila para tapusin ang ilang natitirang eksena. Ipinagmamalaki ng dalawa na super ganda raw itong movie at tiyak na mai-in-love ang lahat ng makakapanood. Sana raw ay maging daan ito upang tanghalin silang bakable loveteam sa showbiz. Proven na rin naman ito sa nauna nilang pelikula na naging maganda ang resulta nito sa box-office. Kumita nang malaki ang Flames at Kung Ayaw Mo Huwag Mo na pinagbidahan din nila. Dito nga sa launching movie nila ay siguradong kikiligin kayo nang husto sa mga eksena ng dalawa.'
Nakatakda itong ipalabas sa darating na Agosto kaya ngayon pa lang ay pag-ipunan at paghandaan na ninyo ang pelikulang matagal na rin naman ninyong pinakahihintay. At habang nag-aabang kayo sa showing ay look muna kayo sa mga pictures na kuha namin. Kayo na ang bahalang humusga kung ano na ang totoong relasyon ng dalawa. For real or for reel na kaya ang pagmamahalan nila?