Lahat na yata ng suwerte eh dumapo na sa kanya. Hindi na talaga maikakailang siya na ang most popular male youngstar of today. Although nariyan pa naman sina Rico Yan at Patrick Garcia. Pero kung achievement din lang ang pag-uusapan, di hamak na mas nakakauungos siya kina Rico at kay Patrick. Lalo pa ngayon na nanalo na naman siya ng award bilang MOST PROMISING MALE YOUNGSTAR sa PEOPLE'S CHOICE AWARDS na bibigyan ng parangal sa buwang ito.
"Sa bagay na 'yun, talagang masasabi kong lahat na yata ng suwerte ibinigay sa akin ng D'yos. Kaya naman nagpapasalamat talaga ako sa lahat ng taong sumusuporta sa akin, lahat naman ng achievements ko eh, utang ko sa inyo lalo na sa mga walang sawang nagpapatuloy ng suporta at pagmamahal. Wala na siguro akong mahihiling pa dahil lahat naman ng wish ko eh natupad na! Yung pagkakapanalo ko sa People's Choice, isang malaking karangalan na iboto ako ng mga tao. Ibig lang sabihin, talagang malakas ang dating ko sa kanila. Hindi naman sa pagyayabang pero hindi lahat ng katulad ko eh nabibigyan ng ganitong pagkakataon kaya sa lahat ng nagtitiwala sa kakayahan ko bilang actor, maraming salamat at asahan n'yo na lalo kong pagbubutihin ang mga susunod ko pang mga project!"