MARVIN GRACES CENTENNIAL CELEBRATION AT L.A.

by: Joey Diego (StarTalk Movie Magazine 06/29/98)

Kamakailan umalis papuntang Los Angeles, California sina MAJ para sa isang show sa Filipino Community doon bilang bahagi ng pagdiriwang ng Philippine Centennial sa naturang bansa.

"Excited nga ako dahil first time ko ito sa L.A., medyo kabado tayo pero masaya naman dahil kasama ko 'yung aking 'my labs' so kahit paano solve na rin dahil at least may mag-aasikaso sa akin!"

Eh di happy siya dahil first time nilang bibiyahe sa malayong lugar. Di kaya mas lalong maging close sila sa isa't-isa?

"Oo naman, siguro mas lalong lalalim 'yung relationship namin dahil this time, Tate na 'yun. At saka mas marami kaming maisi-share sa mga fans pagbalik namin dito like 'yung mga lugar na napuntahan namin du'n, lahat 'yun eh, makikita nila sa mga magasin kung saan madalas nila kaming mabas."

Sa tingin ba niya magiging memorable sa kanya 'yung trip na 'yun?

"Yes, grabe talaga! Grabe 'yung memories nu'n, dahil it would be my first time at kasama ko pa 'yung love ko, di ba? It's very different, kaya ngayon pa lang eh magkahalong excitement at nerb'yos na ang nararamdaman ko," sey pang muli ni Marvin sa amin.

JUNE 1998