MARVIN'S DETRACTORS

by: Joey Diego (StarTalk Movie Magazine 06/29/98)

Lahat halos ng mga intrigang ikinabit sa kanya before eh hindi naman napatunayan. At dahil du'n biglang nanahimik ang kanyang mga detractors. Ano'ng feeling niya at biglang nanahimik ang kanyang mga detractors. Ano'ng feeling niya at biglang nanahimik ang mga tumutuligsa sa kanya?

"Nagpapahinga lang 'yun, kung baga bumubuwelo at tanggap ko naman 'yun, na kahit kailan eh hindi nila ako p'wedeng magustuhan. Sa ngayon, alam kong nananahimik lang ang mga 'yan, pero naghahanap pa rin ng butas kung saan na naman nila ako p'wedeng tirahin. Well, hindi na ako apektado at kailan man, hindi nila mapapasuko. Iba na kasi ang feeling ko ngayon, the more na tinitira ako, the more na mas lumalakas ang loob ko para lumaban. Hindi na ako 'yung tipong yuyuko dahil kahit na paano pinatibay na ako ng intriga at hindi ako basta susuko sa mga paninira nila. Lalo't alam ko na may katuwiran naman ako upang ipaglaban ko ang sarili ko," sey pa ni Marvin.

Paano ba niya inihahanda ang sarili sa panibagong intriga na haharapin niya?

"Wala lang it's just that kapag nariyan na, dedma na lang, kung kailangan kong magsalita in print, gagawin ko, kung kailangan kong magsalita onscreen gagawin ko. Kasi kung hindi ka magsasalita sa bawat intrigang ikakabit sa iyo, sasabihin nila, guilty ka at kapag sumagot ka naman, ganu'n din 'yun, so it's better na lang na sumagot ka para malaman din nila na hindi nila p'wedeng samantalahin 'yung kahinaan mo!" seryosong sabi pa ni Marvin.

JUNE 1998