Ipinagmamalaki ni Marvin Agustin ang bago nitong pelikula, ang "Okey Ka Lang", na halos ang kabuuan ay sinyuting sa magagandang tanawin ng Baguio. Kung daty'y all-out comedy ang sinasamahan nilang pelikula, sa "Okey...", halos 50% na raw ang kanilang pagpapakyut dito.
Ang pelikulang ding ito ang siyang masisilbing "take off" nilang dalawa ni Jolina Magdangal into more serious roles. Sabi pa ni Marvin, kung papansinin ang kanilang akting ni Jolina dito ay isi-set aside ng mga kritoko ang ilang anggulong comedy, 'di malayong ma-nominate o kaya'y manalong muli ang ito sa mga award-giving bodies pagdating ng harvest (award) season. That's why, pinaghihirapan namin ito. Kakaiba ito sa dati at makikita ninyo sa pelikula ang big chances na sinasabi namin." Bungad na pahayag pa ni Marvin.
Ayaw mapahiya ni Marvin sa mga taong nagbigay sa kanya ng mga iba't ibang karangalan tulad ng Most Promising Male Actor (three times na), kaya mas ginalingan niya ang kanyang nalalaman sa pag-arte.
"Wala nang pa-tweetums dito, although maraming eksenang tiyak na ikakikilig ng mga manonood. Wala kaming ginaya sa mga akting na nagawa na namin before. Umpisa na 'to into more serious roles," masayang pahayag pa ni Marvin.
Hindi nga raw puwedeng tanggalin bigla ang mga pampakilig na eksena nina Jolina dahil marami pa ring naghahanap ng mga ganu'ng sitwasyon sa dalawa.
"Maraming kasing maninibago kung mag-o-all-out drama kami bigla ni Jolina. Kumbaga, gradually, sasanayin namin ang mga manonood na tanggapin din kaming ala-Christopher de Leon at Vilma Santos in the futre. Who knows, di ba?" pakindat pang sabi sa amin ni Marvin.
Magandang senyales ngayon sa ating industriya ang sunod-sunod na pagba-box office hits ng mga pelikulang Pilipino sa ngayon. Kahit na ang Judy Ann Santos-Wowie de Guzman movie ay walang kasing-lakas sa takilya. Ngayon sa kanila ni Jolina nakasalalay ang kredito ng kanilang trabaho, nakakaramdam rin ba sila ng pressures na kailangan ding pumatok ang kanilang starrer?
"Kung may pressure man, siguro minimal lang." tumatangong pahayag pa ng multi-awarded young actor. "Kaipokritahan naman sigurong sabihin ko na hindi kami ninenerbiyos ni Jolina sa nalalapit nang playdate ng movie namin. Totoo 'yon, nadodoon 'yong kaba dahil kaming dalawa ang ibinebenta rito. Hindi tulad sa Flames, na mayroon pang Claudine at Rico. So, mayroon kaming katulong dati. Dito, bale kami lang ang nagso-solo to promote ourmovie. Kaya lang, magri-rely kaming lahat sa napakagandang obra na 'to na gawa ni Direk Jerry" banggit pa ni Marvin sa premyadong direktor na si Sineneng.
"Wala siyang sinayang na sandali para lamang mapaganda ang akting namin ni Jolina dito. Kami man, nu'ng mapanood namin ang rushes ng movie, bumilib kami sa sarili namin. Sabi ko nga, it's totally different do'n sa mga characters na nagampanan na namin noon. Kaya nga sabi ko, see it to believe it," malambing anyaya ng aktor na panoorin namin ang nalalapit na premiere night nito.