MARVIN TALKS ABOUT JOLINA

by: Ador Saluta (MegaStar Magazine 07/03/98)

Maraming nagtatanong sa amin kung ano nga ba ang real score between Marvin and Jolina? Kung sila'y tulad din ba nina Angelu at Bobby na hanggang press release lamang ang ka-sweetan?
"We can assure people na kami ni Jolina, never kaming nagpa-press release na ganito kami or kami na nga." makahulugang bitaw pa ng young actor.
"Nanunuyo pa rin ako sa kanya, sa kanyang mga magulang, ganu'n. Pero other than panliligaw, wala pa." kumpirma pa ni Marvin.

Kaya lang, tumataginting na "Labs", ang tawagan ng bawat isa, kesehodang naririyan lamang sa tabi ng dalawa ang mga saksi sa kanilang pagmamahalan.
"I call her Labs at ganu'n din ang tawag niya sa akin minsan. Yon din ang ginagawa naming code sa beeper namin," tuloy-tuloy na pahayag pa ni Marvin.

Sa tiwala lahat nakasalalay ang kanilang pagmamahalan. Kaya't puwede nitong i-date si Jolina kahit na walang tsaperon dahil nga may sinumpaang salita si Marvin kina Mr. and Mrs. Magdangal na hinding-hindi nito gagawing Angelu-Joko Part 2 ang kanilang relasyon. Malayo daw mangyari na bubuntisan nito si Jolina dahil malakas ang kanilang self-control.
"Hindi lang 'yon. Yung sa amin ni Jolina more on respetuhan e. Puwede n'yo namang gawin ang bagay na 'yon 'pag legal na. Tsaka, may takot pa rin kami sa Diyos. Ang Diyos ang gabay namin para i-adya akmi sa kasalanan," pagtatapos pa ni Marvin sa amin.

JUNE 1998