OKEY ANG CHEMISTRY NINA MARVIN AT JOLINA

by: Ronald Carballo (Movie Flash Magazine 06/04/98)

Malapit nang mapanood ang pinakahihintay ng lahat: Ang pinakamalaking pelikula nina Jolina Magdangal at MARVIN AGUSTIN na dinidirek ngayon ni Jerry Sineneng para sa Star Cinema, entirely sa Baguio. Of course, pangkilig ang pelikula. Pero dito rin daw makikita yung tunay na chemistry ng dalawa.

"Yung una kasing ginawa nila na pinuri na sila, isang episode lang na dalawang istorya sa pelikulang Flames, The Movie, banggit ni Direk Jerry. "Dito ngayon, iba na. Sila na talaga ito at mas na-explore pa nila 'yung mga dapat nilang i-explore. Mas marami silang maio-offer pa sa mga tao. Hindi lang basta sa mga fans nila."

Iba raw ang coordination nina MAJ. "Siguro, talaga nasa dugo na nila 'yung love team at maganda 'yung samahan nila, kaya hindi na maitatago 'yon. Bagay talaga sila at iba 'yung batuhan nila ng linya. Magaling sila't talagang maganda silang tingnan on screen."

Manguguna na nga bang loveteam sina Jolina at Marvin pagkatapos ng pelikulang ito? "Hindi lang siguro o mangungunang loveteam, makikitang iidolohin din silang mga performers dahil magagaling talaga sila," pagmamalaki ni Direk Jerry. "They will grow na hindi lang basta tinitilian, siguradong irerespeto silang artista dahil very professional sila. They love their work so much, kaya sulit lahat nang pagod ko sa kanila. Talagang lagi akong enjoy na makatrabaho silang dalawa."

JUNE 1998