MARVIN TALKS ABOUT BLOWING BUBBLES ISSUE

by: Ador Saluta (Movie Flash Magazine 06/04/98)

Ngayon, si Marvin na ang image model ng Blowing Bubbles T-shirts at hindi na si Diether. Nauna nang ipinaliwanag ni Marvin sa isa nitong BB presscon na walang sulutang nangyari sa pagiging image model nito ngayon ng dating t-shirt company, ang BB.

"When they (Blowing Bubbles) got me to be their image model, wala nang kontrata ni Diether sa kanila. So, walang basis ang patuloy pa rin nilang sinasabi na may sulutang nangyari. Kahit na si Diether pa ang tanungin niyo, I know he has good words and explanations about the matters," naungkat muling pahayag ni Marvin.

Aware naman ang bawa't isa na ang ginagawang "rivalry" sa kanya ng kani-kanilang grupo ay isang healthy sign para lalong umangat ang popularity ng dalawa. Kung napag-uusapan, tiyak na hindi mawawala sa sirkulasyon ang sinuman.

"On that aspect, positive 'yon. Ang maganda lang sa amin ni Diet, hindi na namin pinapansin ang bagay na 'yon. We're professional sa mga bagay na gano'n", sey pa ng young actor.

JUNE 1998