May isang special episode na gagawin si MARVIN AGUSTIN for MAALAALA MO KAYA. Ito ay istorya ng dalawang Igorot na masyadong in love sa isa't isa. Pero kinakailangang lumuwas sa maynila ang babae para makipagsapalaran kuyng makakasumpong ng mas magandang kapalaran.
Susunod si Marvin sa Maynila at hahanapin ang kasintahan. Kung anu-anong trabaho ang kanyang mapapsukan at mga kumplikadong sitwasyon ang kanyang masusuungan habang patuloy sa paghahanap sa babaeng mahal na mahal niya. Hanggang makikita niya itong namamalimos sa lansangan na putol ang mga paa. Iuuwi niya ito sa kanilang lugar na pinagmulan para dugtungan ang naputol nilang pag-iibigan.
Hindi pa kumpirmado kung kailang ang taping nito pati na ang location for the said episode. Pero malamang ay sa Baguio City ito kunan. Pero kung kami ang tatanunging, maganda siguro kung sa Sagada, Mountain Province ang location. Ang lugar na napamahal sa isa sa mga taong very close kay Marvin since roon ang roots ng kanyang one and only love and future in laws. Perfect ang nasabing lugar for the said story, di ba, Nars Gulmatico?