MARVIN FACES RONALDO VALDEZ

by: Joey Diego (MovieStar Magazine 06/10/98)

Kasama kami ni Marvin Agustin ng magkaroon sila ng concert nina Jolina Magdangal at Roselle Nava sa San Fernando, Pampanga kamakailan, pero bago 'yon, kabababa lang ni Marvin from Baguio kung saan gumagawa sila ng pelikula ni Jolina.

Ipinagmamalaki ni Marvin na nakapagsimula na siyang mag-shoot ng eksena nila ni Ronaldo Valdez. Ito ang gumanap na tatay niya sa pelikula. Matatandaan na ito ang tumalo sa kanya sa nakaraang FAP sa kategoryang "Best Supporting Actor."
"Kaya nga kabang-kaba ako nu'ng mga oras na 'yon dahil sabi nga nila, magaling nga siya at saka tipong parang seryosong-seryoso sa trabaho. Nu'ng una ko siyang makita, hiyang-hiya pa ako, parang ilang na ilang ako sa kanya, pero nu'ng magkasama na kami sa eksena ay parang nawala 'yung hiya ko sa kanya dahil he just treat me like his son. Alam mo naman na-miss ko 'yung pagmamahal sa akin ng Daddy ko dahil nakulong nga siya, kaya feeling ko ay siya nga 'yung Daddy ko! Sabi kasi sa akin ni Direk Jerry, dapat magkaroon kami ng rapport sa movie dahil close nga kaming mag-ama. Pero paano ko naman gagawin 'yon kung medyo ilang nga ako sa kanya. Deep inside kasi ay kabang-kaba ako kapag kaharap ko siya. siya na rin ang nag-break ng pagka-ilang ko sa kanya. Kinausap kasi niya ako, kung baga internalized talk, dapat daw lumabas na okay kami since ang role niya ay under siya ng nanay kong si Gina Pareno."

Dumating ba 'yung point na inisip mong sana siya na lang 'yung daddy mo?
"Hindi ko naman ipagpapalit 'yung Daddy ko kahit kanino. Parang miss na miss ko 'yung totoong Daddy ko kapag magkaeksena kami. Siguro, 'yon lang ang way para ma-feel ko na close talaga kami. I treat Tito Ronaldo na parang siya talaga ang daddy ko. Pero hindi ko pa rin ipagpapalit ang Daddy ko dahil tanggap naman namin 'yon, hindi ko siya ipagpapalit sa iba," matamang sabi pa ni Marvin.

JUNE 1998