PINAGSESELOSAN SI GIO DAHIL KAY JOLINA?

by: Joey Diego (MovieStar Magazine 06/10/98)

Narinig naming inamin niyang sinagot na siya ni Jolina. Medyo nagtampo pa nga kami dahil ipinangako niya sa amin na sakaling sagutin siya ni Jolina ay kami ang unang makakaalam.
"Saan na naman galing ang balitang 'yan gayung hindi pa naman ako sinasagot ni Jolina. Tutuparin ko naman ang sinabi ko na ikaw ang unang makakaalam noon, di ba? Sa lahat ng aking mga fans, hindi pa po ako sinasagot ni Jolina at saka hindi ba't sinabi kong sakaling magkatotoo man 'yon ay sasabihin ko naman sa inyo, sa ngayon ay hindi pa talaga," tanggi pa ni Marvin.

Paano lumabas ang balitang ganu'n?
"Ang alam ko, 'yung mga ka-sweet-an lang naman namin ni Jolina ang lumalabas. Iyong sobra roon ay hindi ko na alam talaga, nagugulat nga kami sa balita."

Hindi naman daw totoong may kissing scene sila ni Jolina sa pelikula, pero may lumalabas na balitang pinagsasabi raw niyang meron silang scene na ganito.
"Takang-taka rin naman ako dahil hindi ko talaga alam 'yon at wala naman kaming kissing scene sa movie. Hindi ko rin alam kung bakit nasusulat 'yon gayuyng wala naman akong sinasabing meron kaming eksenang ganu'n. Sa mga fans namin, hindi po totoong meron kaming kissing scene ni Jolina, basta cute 'yung mga eksena namin at talagang maaliw kayo!"

May bago na ba sa relasyon niyo ni Jolina since araw-araw ay magkasama kayo sa Baguio?
"Mas naging close lang kami. Kung ire-rate mo ay baka nasa 9 na ang rating, mas close kami kesa dati."

Pinagseselosan niya si Gio Alvarez na kasam niyo sa pelikula?
"Kilala ko naman si Gio at alam kong hindi naman niya ako tataluhin, bukod sa may tiwala ako sa aking "my labs." Alam kong hindi niya ako hahayaang malungkot, promise niya sa akin 'yon," depensa pa ni Marvin sa sarili.

JUNE 1998