ENJOY SINA MAJ SA KANILANG US TRIP
(June 11, 1998 to June 17, 1998)

by: Joey Diego (Moviestar Magazine 07/01/98)

Umalis sila ng bansa noong June 11, Thursday, at bumiyahe sila ng mahigit sa labing walong oras. Nag-stop over sila sa Taipei at 3 1/2 hours silang natengga roon. Dumating sila ng San Francisco ng 3:45 ng hapon at nakalabas sila sa airport ng 5:00 p.m. Dumiretso na sila sa ABS-CBN San Francisco para harapin ang mga taong naghihintay sa kanila roon. Sa Victoria Hotel nag-stay sina MAJ.

Sa Civic Center ginawa ang concert kaalinsabay sa pagdiriwang ng Filipino Community ng Independence Day. Sina MAJ ang kanilang special guest. Kasama rin nila sa nasabing show sina Jaya at Jocelyn Enriquez pero hindi na nga raw sila nagkita-kita dahil pagkatapos ng number ng dalawa ay kaagad silang umalis sa nasabing lugar.

Apat na araw ding tumigil sa San Francisco sina MAJ at sabi nga ng nauna, trabaho rin daw ang inatupag nila roon. May kaunti silang napasyalan tulad ng Planet Hollywood, Pier 39, Golden Gate, Union Square, Crustaceans, Virgin Tower (Bilihan ng CD's Tape) at sa Macy's.

Nakita rin nila roon si Diether Ocampo kung saan nagkaroon sila ng VTR para sa ASAP na napanood natin sa programang 'yon nang nakaraang linggo.

Masaya ang dalawa kahit ang daddy lang ni Jolina ang kasama nila bukod sa ABS-CBN People na nag-aasikaso sa kanila ru'n. Bagama't kulang ang panahon ay pilit ng dalawa na i-enjoy ang mga sarili dahil it was their first time in US Mainland at talaga namang kahit bagsak na ang kanilang katawan ay pinipilit pa nilang ikutin ang mga lugar na ngayon lang talaga nila napuntahan.

Para kina MAJ, ang Golden Gate ang pinaka-memorable. Hindi na lang dinetalye sa amin ni Marvin kung ano ang dahilan, basta raw para sa kanya, hindi niya malilimutan ang araw na 'yun na talagang nagpasaya sa kanya? Sinagot na kaya ni Jolina si Marvin?




PICTURE GALLERY

MAJ IN US






JULY 1998