Kailangang magpaliwanag ang mommy ni Jolina Magdangal sa very strong statement nito against Marvin Agustin. Isang kaibigan namin ang mismong nakarinig nang sabihan ng Mommy ni Jolina si Marvin ng "Get out of my daughter's life! You're ruining her life!"
Nakakaawa ang hitsura ni Marvin habang naglilitanya ang mommy ni Jolina. Ang balita namin, kahit noon pa man ay very much against na ang ina sa relasyon ng anak kay Marvin. Kahit nga raw sa loveteam ng dalawa ay hindi ito pabor.
Mayroong gusto si Mrs. Magdangal para kay Jolina. Aalamin namin kung sino ang teen actor na gusto niya para sa anak. Hindi malinaw kung bakit ayaw ni Mrs. Magdangal kay Marvin.
Mrs. Magdangal blew her top nang malamang may relasyon na ang anak at si Marvin. Sinisisi nito ang asawa (si Mr. Jun Magdangal) dahil ito ang madalas kasama ni Jolina. Bakit daw hinayaang maligawan ni Marvin?
Nagulat kami dahil we've known Mrs. Magdangal to be a very nice woman and almost always collected. Siguro nga kahit ang pinakamabait na ina, kapag anak na ang involved sa isang hindi niya gusto, nagagalit din.
Ayaw naming isipin na kung kailan nalalapit na ang showing ng movie nina MAJ, ang Labs Kita, Okey Ka Lang? ng Star Cinema ay gagawa siya ng eksena at magkukontrabida.