SABIHIN NA NILANG MABABAW AKO PERO SA TOTOO LANG AY HINDI KO SUKAT AKALAING MAKAKARATING AKO SA LOS ANGELES AT MAKAKAPAG-PERFORM DOON

by: Joey Diego (Moviestar Magazine 07/01/98)

Si MARVIN AGUSTIN daw ang pinakamasuwerteng young star sa kasalukuyan. Paano ba naman, lahat na yata ng magagandang blessings ay dumating sa kanyang career. Mula sa pagkakaroon ng sariling bahay, sasakyan, pelikula, awards at ngayon naman ay ang pagbibiyahe sa ibang bansa tulad na lang sa L.A. at San Francisco kung saan kadarating lang niya mula sa isang linggong biyahe. May jetlag pa nga si Marvin nang kausapin namin pero hindi mo mababanaag sa kanyang mukha dahil ang saya-saya nito at marami siyang kuwento sa amin.

"Sobra ang kasiyahan ko sa pagbabakasyong iyon. Imagine, ang dami kong napuntahan although hindi ko na lang iisa-isahin pa; sa inyo dahil baka maubusan ka ng espasyo. Naging memorable sa akin ang travel na 'yun. It was my first time na makapunta sa Guam last year, parte rin ng U.S. 'yon pero ngayon lang talaga ako nakapunta sa L.A. at San Francisco. Kaya naman para akong nasa cloud nine," masayang sabi pa ni Marvin.

Pero ang punto ng tanong namin sa kanya ay kung ano ba ang masasabi niya at sa dinami-dami ng talents sa Dos ay siya ang napiling ipadala sa U.S. para magtanghal sa Filipino Community doon bilang pagdiriwang ng Independence Day?

"Talagang suwerte yata ako sa taong ito dahil bukod sa may launching movie na kaming ipalalabas ay kami pa ni Jolina ang napili nilang ipadala sa Amerika para sa mga kababayan natin doon. Masaasabi kong napakabait sa akin ng Diyos dahil lahat na yata ng magagandang blessings ay naibigay na niya sa akin, kaya kung minsan ay nahihiya ako dahil hindi talaga matapus-tapos ang lahat ng suwerteng dumarating sa akin. Kaya naman lahat ng ito ay ibinabalik ko rin sa Kanya. Hindi talaga ako nakakalimot na bisitahin si Lord tuwing Wednesday sa Baclaran, pinasasalamatan ko siya sa lahat ng biyaya na ibinibigay niya sa akin. Siguro, ito na rin ang resulta ng lahat ng paghihirap at pagtitiyaga ko. Saka ito na rin yata ang kapalit ng paghihirap ni Daddy sa loob, lahat ng hirap niya, tinutumbasan ko na lang ng suwerte sa takbo ng pamumuhay namin ngayon. Kung may mahihiling pa ako ay 'yung palayain na ang Daddy ko. Pero alam kong imposible 'yon sa ngayon dahil matagal-tagal pa rin naman 'yong sentensiya ng Daddy ko roon."

Nagkita ba sila ni Diether doon?

"Narron din siya dahil may show din yata siya roon. Nagkita lang kami ng gumawa kami ng MTV para sa ASAP. Okay naman siya, tipong nakapag-pahinga talaga!"

Ano naman ang naging reaction ng mga Pilipinong nanood ng show nila?

"Sobra-sobra ang reaction nila sa loveteam namin ni Jolina. Kilalang-kilala nila kami dahil may Filipino channel din pala roon. Para rin kaming narito sa Pilipinas. 'Yung mga teenagers doon ay kilig na kilig habang kumakanta kami ni Jolina. Pati na rin 'yung ibang foreigners na naroon ay maganda rin ang response sa amin. Pumalakpak din sila kapag natatapos ang performance namin. Grabe ang nadarama kong saya ng mga oras na 'yon, dahil natupad ang isa sa mga pangarap kong makapag-perform doon. You know why? Hindi ko kasi inisip sa buong buhay ko na makakapunta ako roon dahil mula nu'ng bata pa ako, never naman akong nangarap na someday ay makakapunta ako roon dahil sa status namin sa buhay. Hindi ko inaasam na makakapunta ako roon dahil mahirap lang kami, at hindi ko alam na magiging artista ako, kaya naman nu'ng sabihin sa akin na pupunta kami roon ay parang hindi ako makapaniwalang magkakatotoo ang dream ko na kailanman ay hindi ko iniisip namatutupad. Sabihin na nilang mababaw lang ako dahil sareaction ko ngayon, pero you know, hindi ko maipaliwanag 'yung mga nangyayari sa akin ngayon. Sa lahat ng suwerteng napasa-akin ay wala na yata akong mahihiling pa sa kanya kundi sana lang, makasama na namin ang Daddy ko, para naman maranasan din niya 'yung kasaganahang tinatamasa namin ngayon," seryosong sabi pa ni Marvin sa amin.



JULY 1998