MARVIN DECLINES COMMENTING ON MAJ RELATIONSHIP

by: Joey Diego (Moviestar Magazine 07/29/98)

Pinagsawaan din namin siyang tanungin tungkol sa kasalukuyan niyang love life. Until now ay tanggi pa rin siya nang tanggi kahit nakikita naming very obvious na meron na silang relasyon ng babaing punung-puno ng kolorete sa katawan. Kapag napag-uusapan namin si Jolina ay hindi niya maiwasang hindi mahiya sa amin dahil for two years ay 'yon lang naman ang pinag-uusapan namin kaya siya na mismo ang nagsabi na kung puwede ay siya na lang ang tatawag sa amin oras na meron ng linaw ang tungkol sa kanila ng babaing kapareha niya sa pelikula.


JULY 1998