Marami sa mga nakapanood ng episode niya ng Maalaala Mo Kaya ang nagsasabing talagang mahusay siyang aktor. Bawat klaseng portrayal ay talagang inaabangan sa kanya kaya naniniwala ba siyang mataas na ang pagtingin sa kanya ng mga manonood?
"Ako man ay talagang kinakabahan sa bawa't role na ginagampanan ko sa mga TV guestings na tipong akting talaga ang inaabangan nila sa akin kaya naman bago ko gawin 'yung role na natalaga sa akin ay pinag-aaralan kong mabuti!" say pang muli ni Marvin sa amin.