Prior to the taping day ng isa sa mga episodes ng "Star Drama Theater Presents: Marvin", nilalagnat na raw si Gio Alvarez, isa sa mga guests ni Marvin.
Nagkataon naman ang hihirap pa ng mga eksena ng episode na 'yon. Sa pagpapalit pa lang ng costumes at pagme-make-up, ang dugo-dugo na.
Mga mohera kasi ang roles dito nina Marvin, Gio at Luigi Alvarez.
"Showcase" daw ang title ng episode na mala-"Priscilla" ang dating.
As in nakadamit babae silang tatlo and they could really pass up for real women, dahil ang gaganda nilang lumabas, mujer na mujer ang dating.
Si Marvin naman ay hindi na nakilala ng favorite pamangkin niyang si Tap-tap dahil sa itsura niya.