Marvin Agustin:
"If I have three wishes from Fairy Godmother? Una, peaceful life for my family, 'yun bang walang problems, everything is fine at walang nagkakasakit sa pamilya ko. Second, hihilingin ko sa kanya 'yung mga materyal na bagay na wala ako, like bahay, kotseng magara, magagandang gamit at 'yung hindi naman karamihan na pera, 'yung tama lang na maayos ko 'yung buhay ko na maganda. Ayoko kasi 'yung sobra dahil baka maging mitsa pa 'yun ng buhay ko. Third, hihilingin ko sa kanya na ipakilala na sa akin 'yung babaing talagang mamahalin ko na pang-habambuhay, 'yung magiging ina ng mga magiging anak ko at siyempre upang mabuo ang kaligayahan ko, hihilingin ko, ang isang matahimik na buhay sa piling ng pamilya ko."