"MAPUTLANG DUGO, MAKALAWANG NA TUBIG", ang title ng fourth episode ng Star Drama Theater ni Marvin Agustin na ipalalabas after Rica Peralejo. Role ng isang retarded ang unang gagampanan ni Marvin dito.
Pinasyalan namin kamakailan ang first taping nina Marvin sa may Fairview. Medyo makulimlim ang panahon nang dumating kami sa location site na tagung-tago talaga. Dinatnan namin ang ibang cast na sin a Rio Locsin, Janice de Belen at William Martinez, kasama rin ang friend namin na si Mel Kimura na gumaganap na yaya ni Marvin.
Makikita ninyo sa litrata ang ibang-ibang Marvin Agustin. Hindi lamang ang hitsura niya ang bago rito, pati na rin ang papel na kanyang gagampanan. Napanood namin ang ilang eksena ni Marvin kung saan inaatake siya ng "epileptic seizure." Si Janice ang gumaganap na ate ni Marvin, at si William naman bilang fiance nito. While Rio Locsin plays the role of nanay-nanayan ni Marvin.
Take one halos ng eksenang kinunan ni Direk Jerry Sineneng. "Magagaling ang lahat ng cast, lalung-lalo na nga si Marvin na kakikitaan na talaga ng potensyal na maging magaling na aktor someday. Naniniwala ako na balang-araw ay makakakuha ng acting award ang batang ito," papuri pa ni Direk Jerry.
"May depth ang acting ni Marvin," sabi naman ni Janice. "First time ko pa lang siyang nakasama pero I feel na parang matagal na kaming magkakilala. May potential at hindi imposibleng sumikat dahil talaga namang may karapatan."
Ayon naman kay William, "Nakikita ko 'yung sarili ko sa kanya. Magaling siyang aktor, mabait, marunong makinig. Impressed ako sa kanya."
"Nakasama ko na nang ilang beses ang bagets na 'yan," ani Rio, "and I find Marvin a good actor. May lalim ang personalidad niya, masigasig sa trabaho, at marunong magpahalaga sa mga kasama niya. May kalalagyan ang batang ito."