MARVIN TALKS ABOUT JUDAY-ONEMIG MOVIE

by: Joey Diego (StarTak Movie Magazine 08/3/98)

Sa darating na Agosto ay nakatakdang magbanggaan sa takilya ang pelikula nina MAJ vs. Judy Ann-Onemig movie.

As part of publicity promo, ginagamit na isyu 'yung ginawang pagsusuot umano ni Onemig ng trunks sa movie. First time kasi itong ginawa ng guwapong heartthrob. Siyempre pa, maraming kabadingan at mga babaeng tagahanga ni Uno ang ngayon pa lang ay nai-excite nang masilayan kung gaano kaseksi ang kanilang idol. Isa pang bentahe ng nasabing pelikula ay ang kissing scenes umano nina Judai at Onemig.

Samantalang si Jolina ay tumanggi umanong makipaghalikan sa kanya sa pelikula. Sa ganitong sitwasyon, ano sa palagay niya ang tsansa ng movie nila box-office wise?

"Well, positive naman akong kikita 'yung movie namin kahit sabihin pang me kissing scene 'yung kanila at kami eh wala. Naniniwala ako na marami ring mga tagahanga namin ang nag-aabang dito sa movie namin dahil kumbaga, ito 'yung turning point ng team-up namin ni Jolens. At kung hindi ito kikita, malamang na matapos na 'yung maliligayang araw namin. Kaya sana naman, tangkilikin nila ito!" pahayag ni Marvin.


AUGUST 1998