MARVIN ... A REAL ACTOR

by: Jhay Orencia (Megastar Magazine 08/15/98)



Maglulundagan sa tuwa ang mga tagahanga ni Marvin Agustin kapag napanood nila ang bagong pelikula ng aktor. Ipinakita raw ni Marvin sa balik-tambalan nilang pelikula ni JM ang kanyang pang-award na akting. Kung pinahanga ni Marvin ang madla sa kanyang pelikulang Flaes at KAMHM, mas lalo pang kagigiliwan ang akting na ipinamalas ni marvin dito sa bago niyang pelikula. At hindi pa rin daw kayang talunin ni Rico Yan at Wowie de Guzman at maging si Diether Ocampo ang galing sa akting ni Marivn.

"Hindi naman", pa-humble epek ni Marvin nang makatsikahan namin siya sa teyping ng OIDP. Kaya nga kami tinawag na artista, dahil nakakarte kami sa harap ng kaera. Dahil kung hindi kami marunong umarte, hindi kami matatawag na totoong artista," dugtong pa ng binata.

Ayon sa aktor hindi dapat ikumpara sila sa isa't isa dahl magkakaiba ang nagagawa nila saharap ng kamera.

"Kumbaga may kanya-kanya kaming acting talent. Hindi kami pareho-pareho, iba ang nagagawa nila sa mga nagagawa ko. May kanya-kanya kaming acting talent. Hindi kami pareho-pareho, iba ang nagagawa nila sa mga nagagawa ko. May kanya-kanay kaming style, Kaya hindi puwedent ipagkumpara kami sa isa't isa. Saludo ako sa galing ni Rico, Diether at Wowie. Dahil kahit ano pa ang sabihin ng iba, magagaling pa rin silang artista. kaya hindi dapat pinagtatalunan ang mga acting talent. Dahil katulad ng aking sinabi, may kanya-kanya kaming abilidad sa larangan ng pag-arte. Ang importante nagagampanan namin 'yong mga role na ipinagkakatiwala sa ami. Yun lang naman, di ba? Kaya sa bawa't pelikula na aking ginagawa bigay todo ang akting ko, para matawag naman akong isang tunay at di-kalibreng aktor," sabi pa ni Marvin.


AUGUST 1998