SANA SILA NA NI JOLINA

by: Jhay Orencia (Megastar Magazine 08/15/98)



Samantala, habang tumatagal ay lalo naman nagiging malapit sa puso ni Marvin si Jolina. At hindi raw mapakale ang aktor kapag hindi nito nasisilayan kahit sandali man lang ang kagandahan ni JM. Ayon sa balita, totoong in love na raw ang binata sa bulilit nitong kapareha.

"Kasi, bihira lang ang katuladni Jolina. At lahat ng katangian na hinahanap ko sa isang babae, kay Jolina ko nakita. Matalino, mabait, malambing at very understanding. Kumbaga siya ang babae para sa akin. At kung talagang kami ang para sa isa't isa, kahit tumagal pa kami ng dalawampung taon. Kung kami talaga, kami. Kaya hintayin na lang natin. Basta sa ngayon, nagkakaintindihan kami ni Jolina. Wala kaming problema at masaya kaming magkasama. Ganyan ang relasyon namin ni Jolina. Kaya nagpapasalamat ako dahil may nakilala akong isang Jolina," pagtatapos ni Marvin.


AUGUST 1998