Mapapanood na rin sa wakas ang laundhing movie nina MAJ. Ayon sa direktor ay maganda ang vibes niya sa pelikulang ito dahil maganda ito at hindi tio "trying hard" na loveteam. Maganda kasi ang rapport nina MAJ at higit sa lahat kung anu-ano ang ginagawa nila off-camera ay ganu'n din sila on-camera.
"Kaya hindi ako nahirapang i-direk ang dalawa kasi 'yung role nila sa movie ay "silang-sila" talaga. Medyo naantala lang kapag may "tampuhan" ang dalawa dahil hirap silang umarte kapag sweet ang eksena." pagbubuking ni direk Jerry sa dalawa.
Ayon naman kay Marvin ay masarap palang ka-trabaho ang mahal mo sa tunay na buhay kasi bigay na bigay ang acting niyo. Hindi na ito para lang ma-please ang mga fans.
At muling pinabulaanan nina MAJ ang balitang hindi pabor ang magulang ng dalaga kay Marvin bilang boyfriend dahil ayon sa dalawa ay wala pa naman silang commitment, puwedeng mayroon silang mutual understanding, pero commitment ay wala pa. Papunta palang doon.