HUMAGULGOL NG IYAK SI MARVIN DAHIL KAY JOLINA

by: Ador Saluta (Movie Flash Magazine 08/20/98)



Sa dubbing room sa Sampaguita Studios humagulgol si Marvin Agustin habang idina-dub nito ang Labs Kita, Okey Ka Lang? na pinagbibidahan nilang dalawa. Nag-away at nagkatalakan daw ang mag-labs?

Ipinagtapat naman ni Marvin na na-carried away siya sa eksenang yon dahil mayroon palang namamagitang gap sa kanila ni Jolina. Selosan ba ang dahilan?

"No. Wala namang third party involved kung bakit nagkaroon kami ng away. Kasi, when you're sobrang close na close na, you tend to be mapaghanap. Pero inuunahan ko na kayo na hindi naman 'yung lust sa katawan ang ibig kong sabihin," klaro ni Marvin sa amin.

Tila yata noong minsang hanapin ni Marvin ang ibinigay nitong singsing kay Jolina na may naka-engraved na "Labs", walang maipakita si Jolina. Hindi raw nito pinahahalagahan ang kahit na maliliit na bagay na kanyang ibinibigay sa sinusuyo. "That day kasi, bigla kong hinanap 'yung ring na 'yon. 'Ewan Ko', ang sagot niya sa akin. Hindi ko maintindihan ang dahilan niyang 'yon so, nagtampu-tampuhan ako. But deep inside, masama talaga ang loob ko sa kanya. Until one day, nagkaroon kami nang sagutan at 'yon, away-away nga. Napalaki nang napalaki, ganoon."

'Yon nga, nai-released na niya ang tensiyon kaya all's weell, that ends well. Nagkabati na sila uli.

"Simpleng hi, hello, ganoon lang. Kasi pag may pinagsamahan naman kayo, madali naman kayong magkaintindihan, eh. Sa mata na alng, nakakapag-usap na kayo. We don't have to say sorry. More or less, alam namin na part of growing up 'yung mga ganu'n-ganoon. The next time, hindi na kami magpapaka-childish'" pahayag pa ni Marvin.


AUGUST 1998