UMATRAS SILA SA PLAYDATE

by: Ador Saluta (Movie Flash Magazine 08/20/98)



Tungkol sa pangyayaring umatras sila sa playdate, hindi naman ibig sabihin natakot sila sa I'm Sorry, My Love.

"Ni-request kasi ni direk Jerry, na magdadagdag kami ng five shooting days. Dadagdagan din 'yung mga highlights ng movie. So, it's blessing din siguro para hindi naman pagpukpukan sa takilya ang pelikula namin. Tulad ng nasabi ko before, sayang naman kung magkakasakitan kami pareho sa takilya dahil parehong pang-youth-oriented ang tema ng pelikula namin. Kaya noong sabihin nilang mamo-move kami ng isang linggo, hindi na namin inisip pa 'yung sasabihin ng iba na kesyo natakot kami kaya umurong kami. Wala sa amin 'yon. I'm sure, magkasabay man kaming i-showing, may kanya-kanya naman kaming crowd following. Anyway, ang mga pangyayaring tulad nito ay kagustuhan na rin siguro ng nasa Itaas."

Ang mga idinagdag na highlights ay ang pagsusuot nilang dalawa ni Jolina kasuutang pang-beach. Si Marvin ay magta-trunks at si Jolina naman ay magba-bathing suit.

"Swimming kasi 'yon eh. I-explain ni direk na sa beach kukunan yung eksena. At first, hesitant ako, kasi hindi pa naman ako nakakapagsuot ng trunks in my past movies. But with direk's assurance na maganda naman ang kalalabasan ng scenes na 'yon and of course, hindi naman namin gagawin ni Jolina kung hindi batikang direktor ang mag-i-excute noon, so umoo kami agad. Okey naman 'yung eksena. Naiilang ako noong una. Marami kasing nakyu-curious sa crowd." ani Marvin.

Sa kanyang "bukol" daw nakatingin?

"Pero, hindi 'yon ang highlights ng movie ha," nahihiya pang singit ng young actor. "Pang-GP kami," pagtatapos pa ni Marvin.


AUGUST 1998