Napansin ng direktor na si Jerry Sineneng na parang may kulang sa Star Cinema's Labs Kita, Okey Ka Lang kaya nagpasya sila na dagdagan ang mga eksena ng pelikula. thus, hindi totoo ang balitang nag-reshoot sila o hinabaan nila ang mga eksena ni Marvin Agustin.
Base sa trailer na napanood namin, isang feel good movie ito. Magandang i-promote ito bilang isang wholesome youth-oriented movie kaya hindi na kailanga pang pag-awayin si Marvin at ang mga magulang ni Jolina.
At kung hindi man mapipigilan, bawasan man lamang sana ang anggulo na nagkakamabutihan na ang dalawang youngstars. Huwag nang pilitin dahil mismong sina MAJ ang nagsasabi na wala silang relasyon.