ONE DAY THAT THEY WOULD WANT TO LAST FOREVER...

by: James Tekiko (Teen Movie Magazine 08/20/98)



This article is edited:

1. Marvin Agustin: "I would like to say 'yung birthday ko nu'ng 7 years old ang pinakamasayang araw ng buhay ko. Natatandaan ko pa noon paggising ko pa lang may nakaipit ng pera sa kamay ko galing sa Daddy ko. Pag-uwi ko galing ng school may handaan sa bahay. Nagulat ako. After kong mag-blow ng cake, inabot sa akin ng Daddy ko 'yung UZI toy gun na matagal ko nang gustong magkaroon. Ang saya-saya ko ng araw na 'yon."

2. Jolina Magdanga: "Last June sa States ang pinakamasayang period ng life ko. Natupad din 'yung dream ko na makapag-perform abroad. Nangyari ito sa Civic Center sa San Francisco kung saan more than 10,000 people attended our show (which includes Diet and Marvin). Tuwang-tuwa ako dahil napakaganda ng response ng mga tao sa amin. Hindi ko akalain na hanggang sa US ay may mga humahanga sa akin. Aside from that, super shopping pa ako. Lahat na yata ng puwedeng bilhin ay binili ko na. Ang saya-saya ko talaga ng araw ng 'yun. Kailang kaya mauulit?"


AUGUST 1998