Two years nang magkakilala sina MAJ at kung tutuusi'y malalim na ang kanilang pinagsamahan. Pareho na nilang kilala ang isa't isa. In fact, halos alam na ni Jolina ang likaw ng bituka ni Marvin. Ultimo kasi mga lihim ng binata ay alam na rin ng dalaga. Same with Marvin, alam na rin niya ang puno't dulo ng pagkatao ni Jolina. Pero ano itong nangyayari sa relasyon nila? Bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin sila nagiging mag-on? Ano bang problema? Kanino at sino ang may problema? Marami kasi ang nagsasabing nasa partido raw ni Jolina ang problema. Kasi nga raw, the mother and the father of our trendsetter ay hindi pabor kay Marvin para maging bf ng youngstar. Pero, bakit kailangang sundin ni Jolina ang kagustuhan ng kanyang mga magulang? Bakit hindi niya sundin ang itinitibok ng kanyang puso? Hindi ba natatakot si Jolina na hindi maranasana ang magmahal at umibig? Hindi ba natatakot si Jolina na hindi maranasan ang magmahal at umibig? Hindi ba niya feel ang mahalin siya at ibigin ng lalaking nagmamahal sa kanya? Naku, bago pa tuluyang magunaw ang mundo, dapat ay matuto nang makipagrelasyon si Jolina.
"MU na kami ni Marvin," sey ni Jolina.
Anong MU?
"Eh, di mag-un," sabay sabi ng dalawa. So, MU na sila. Pasasaan ba at hahantong din daw ito sa pag-ibig. Ang tanong, kailan?
"Pagkatapos ng movie namin. Like, 'pag na-feel kong mahal ko pa rin siya, I mean, andiyan pa rin siya sa tabi ko, at hindi nabago 'yung feelings ko para sa kanya, baka 'yun na ang time para sagutin siya." Sige, paniwalaan natin si Jolina tutal wala namang masama.
"Hindi kami nagmamadali", katwiran naman ni Marvin. Mas maganda kasing handa kami sa lahat ng mangyayari. Sabi nga, expect the unexpected basta ba careful ka at alam mo kung saan ka lulugar.
Sige, dito na nga lang sa mga pagmamahalan ng dalawa. Magkasya nalang tayo sa kanilang ka-seet-an na ipakikita sa pelikula nilang Labs Kita ... Okey Ka Lang? ng Star Cinema.
MAJ LOVESTORY PICTURES