Palpak ang gimik na gawing underdog si Marvin at the expense of the mother of Jolina. Diumano ay sinabi raw kasi ni Mommy Magdangal kay Marvin na "Get out of my daughter's life!" Kaya nagmukhang kawawa at api-apihan ito.
Pero sa presscon ng movie ay inamin ni Marvin na walang ganoong sinabi si Mommy Magdangal sa kanya. Sa katunayan naging second parent pa nga niya ito nang nag-su-shooting sila sa Baguio. Ito ang nag-aruga sa kanya nang nagkasakit siya dahil wala man lang siyang kasamang alalay sa shooting.
Hindi na naman kasi kailangan pang gawan ng gimik ang pelikula dahil ang ganda-ganda nito. Sa trailer ay mai-in love na kayo sa istorya.
Litaw na litaw ang chemistry nina MAJ. Nakuha ni Direk Jerry Sineneng angkiliti ng loveteam.
Kasama pa ang batikang aktress na si Hilda Koronel bilang mommy ni Jolina sa movie, kaya ano pa ang hahanapin niyo. Apir rin si Gio Alvarez bilang third party. Napakaganda pa ng dalawang theme songs ng movie, ang Kapag Ako'y Nagmahal ni Jolina at Nanghihinayang ng Jeremiah. Kaya panalung-panalo talaga!
MAJ LOVESTORY PICTURES