MARVIN TALKS ABOUT LIFE

by: Andie B. Desuyo (Kislap Magazine 08/24/98)



Puno ng anekdota ang buhay ni Marvin Agustin. Simula pagkabata hanggang lumaki siya't nagkaisip, nabalutan ng mga eksperyensiya't pagsubok ang nakasanayan niyang buhay kaya matatag niyang hinaharap ang anumang hamon sa buhay. Ni sa panaginip ay hindi inisip ni Marvin na mapapabilang siya sa mga alagad ng puting-tabing. Hindi nga raw makapaniwala ang aktor na isa na siya sa mga tinitilian at hinihiyawan ng libu-libong fans na umiidolo sa kanya.

Minsan nga raw, malalim niyang sinusuri sa harap ng salamin ang mga pangyayaring nagaganap sa kanyang buhay pati na rin ang kanyang buong kaanyuan. Ano raw ba ang taglay na katangian ng isang Marvin Agustin kung bakit masuwerte niyang natumbok ang pag-aartista?

"That's God's will. Siguro, ito talaga 'yong nakaguhit sa aking palad. Kahit nga ako ay hindi makapaniwala sa mga nangyayari sa buhay ko ngayon. Sino ba ang mag-aakalang mararating ko ang status ko sa ngayon. Kung tutuusin, isa lang akong hamak na tagabenta ng tocino at waiter sa Tia Maria's, di ba?"

Naniniwala si Marvin na walang imposible sa buhay ng tao. Kapag nabaitan sa 'yo ang Poong Maykapal at maayos kang nabubuhay sa mundong ginagalawan, pagpapalain ka ng diyos. Mahirap man siyang ipinanganak at inapi ng ibang taong nakakangat sa buhay, hindi man lang pumasok sa kukote ni Marvin na suklian ng paghihiganti ang minsang pagmamaliit sa estado ng buhay niya noon.

"Kahit ngayon, meron pa ring nag-iismol sa kin. Hindi nila siguro matanggap 'yong success na narating ko. Ganoon talaga ang buhay kapag nakikita nilang umaangat ang kanilang kapwa, pilit ka nilang sisiraan at ibabagsak. Ang sa akin naman, bahala sila basta ako, malinis ang konsensiya. Ayokong may nasasagasaan sa anumang balak kong gawin sa aking buhay."

Isang matamis lamang na ngiti ang isinusukli ni Marvin sa tuwing may naririnig siyang walang "K" ang aktor na tawaging isang artista. Wala raw sa hitwura ni Marvin ang ihanay siya sa mga bituing nararapat na tingalain.

"Hindi ibig sabihin na kapag artista, dapat guwapung-guwapo. Once na sinabi mong artista, dapat you are equipped with talents at positive values sa lahat ng aspect in live. Of course, nandoon na rin 'yong looks."

Anuman daw ang sabihin ng ibang tao sa kanya, sa halip na magsilbi itong destruction sa kanyang mga balakin sa buhay, lalo itong nakaktulong sa kanya upang higit na pag-ibayuhin ang mga nakaplanong gusto n'yang makamit sa pagdating ng tamang panahon.

"I want to prove sa lahat na mali ang sinasabi nila sa akin. Kaya nga as much as possible, alam ko ang mga sinasabi nila sa akin para I know the right path to take. Kung saan 'yong weakness nilang nakikita sa 'kin, doon ko pag-iigihang mabuti."

Dahil sa mga pag-aalipustang ginagawa ng ibang tao kay Marvin, lalo siyang tumatag at buo ang paniniwalalng 'di siya patatalo sa unos na sasalpok sa kanyang buong pagkatao. Naniniwala ang aktor na kapag nadapa ka, bumangon ka sa lugar na nadapaan mo.

"Yan ang turo sa 'kin ng aking mother. Bangon agad kapag nadapa. Huwag nang maghintay ng taong tutulong sa pagkadapa mo. kailanga, kusa kang bumangon dahil diya nakikita ang lakas ng loob mo sa pakikipagsapalaran sa agos ng buhay. Tulad din ito ng sitwasyong kapag may problema, gawan agad ito ng solusyon at huwag na juwag nang patagalin pa. The more kasing patatagalin mo ang anumang problema sa buhay, nagiging mas complicated at mahirap nang maresolbahan."

Aminado si Marvin na gaao man katatag ang isang tao, may pagkakataong bumibigay rin ito. Ang buhay ng isang tao ay tulad ng isang kawayan na kapag matayog na, kusa itong bumibigay at nagbi-bend paibaba. Papaano ba hinaharap ni Marvina ng mga problemang di niya kayang lunukin?

Ipinagdarasal ko na lang sa Diyos. Wala naman tayong ibang puwedeng hingan ng tulong kundi ang Diyos lang, di ba? Minsan, gusto kong maiyak pero I try to control dahil wala ring mangyayari. Pinag-aaralan ko na lang nang mabuti ang sitwasyon ng problema, tapos, presto, nagkakaroon ng solusyon," nakangiting pahayag ni Marvin.

Maraming malulungkot na bahagi sa istory ng buhay ni Marvin na sa tuwing naalaala, hindi niya maiwasang magmuni-muni o mag-agam-agam. Kalungkutan sa buhay na gusto niyang ibaon sa limot pero di maiwasang paminsan-minsan ay sumasagi sa kanyang isipan lalo na kapag siya'y nag-iisa. Minsan daw ay nababalutan ang kanyang kaisipan ng iba't ibang katanungan sa buhay pero pilit niya itong binibigyan ng kaukulang kasagutan na makapagbibigay ng kaukulang kasagutan na makapagbibigay sa kanya ng panatag na loob para patuloy na makipagbuno sa agos ng panahon.

"Kung maibabalik lang, sana naging frequesnt 'yong pagkikita namin ng tatay ko. Marami sanang 'sana' ang gusto kong gawin kaya lang tapos na, naganap na, kaya pag-usapan na lang natin 'yong present situation ng father at pamilya ko. Naging open naman ako sa lahat, di ba? Kaya nga masasabi kong I'm still proud of my family dahil despite the odds, nariyan sila lagi sa aking likuran para suportahan ako. I don't want to elaborate more," seryosong pahayag niya.


AUGUST 1998