MAHIRAP MAGTAGO SA SARILING ANINO

by: Andie B. Desuyo (Kislap Magazine 08/24/98)



Despite sa publisidad na maayos ang samahan nila ng kanyang ka-loveteam na si Jolina Magdangal, marami pa rin ang haka-hakang pakitang-tao lang ang sweetness na ipinapakita nila sa publiko.

Sa eksperyensiya kasi ng fans sa mga past na loveteam, nalulungkot silang malaman ang katotohanang 'plastikan' lang pala ang ginagawang pagtsitsisnis sa kanila ng iniidolong artista. Hindi kaya magaya rin sila sa tambalang Bobby Andrews at Angelu de Leon kung saan, lahat pala'y pantasya lang ang nakikita nila at malayung'malayo sa reyalidad.

"We're not like that. What you see is what you get. Hindi ko sinabing plastik sina Angelu at Bobby, pero what I can say is, totoo angnakikita niyo between me and Jolina. Ayokong dayain ang fans namin to the extent na magsisinungaling kami. I hate to do that. Mas maluwag sa loob kapag totoo ang ipinapakita mo salahat. Mahirap magtago sa sariling anino."

Finally, sinugalan na nga Star cinema ang tambalang MAJ, kung saan, huhusgahan ngayon buwan ng Agosto ang kanilang launching movie. Sa tingin kaya ni Marvin, papatok ito sa takilya?

"I hope dahil alam kong hindi kami pababayaan ng lahat ng taong nagmamahal sa tambalan namin ni Jolina," pagtatapos ni Marvin.


AUGUST 1998