Kalat na kalat na rin sa apat na sulok ng showbusiness ang tsikang very much against sa kanya ang mga magulang ni Jolina kaya hindi raw mapapayagan ng mga ito na makipag-relasyon sa kanya ang kanilang anak?
"Sa totoo lang, wala akong masasabi sa pamilya ni Jolina. They've been very supportive to me mula't sapul. Pero kung talagang against sila sa akin, wala akong magagawa. I guess I have to move on with my live but I just want them to know that I really appreciate those moments that we've shared together. Kahit kailan, hinding-hindi ko kalilimutan ang magagandang bagay na pinagsaluhan namin. Masakit tanggapin na ayaw nila sa akin but I have to respect their decision," malungkot na pahayag ni Marvin.
Ang lalong masakit ay sinabihan pa umano si Marvin ng Mommy ni Jolina ng: "Get out of my daughter's life!" Anong masasabi niya?
"In fairness sa pamilya ni Jolina, wala akong natatandaang ganoong salita na binitawan nila. Naging mabuti sila sa akin," mabilis na pakli ng young actor.
Ganyang tutol pala sa kanya ang parents ng labs niya, paano na kung gayon ang pagmamahalan nila ni Jolina?
"Well, I believe naman na if we're really meant for each other, no one can stop us. Let's just wait na lang what will happen next. Basta, ang masasabi ko lang, mahal na mahal ko si Jolina, at alam niya 'yun," dugtong pa ng aktor.