MARVIN ON GOING SOLO?

by: Jun Reyes (Star Talk Movie Magazine 08/24/98)



Hindi ang pakikipag-relasyon niya kay Jolina ang totoong ikinagagalit ng pamilya Magdangal? Diumano ang kawalan niya ng utang na loob at pambabalewala sa loveteam nila ni Jolina ang ikinasasama ng loob ng mga ito?

"Hindi naman sa binabalewala ko ang loveteam ni Jolina. Gusto kong magsolo dahil alam naman namin na hindi kami puwedeng magsama as loveteam forever dito sa industriya. Kailangan din naming gumawa ng kanya-kanyang pangalan para sa ikagaganda at ikauunlad ng aming respective careers. Hindi rin naman siyempre palaging pa-tweetums na lang ang dating namin. Kailangan din naming mag-mature. Hindi puwedeng ganito nalang kami habambuhay. Eventually, hindi na kami magiging effective na pampakilig sa mga forthcoming movies namin, magsasawa ang mga fans dahil trying hard na ang dating namin. Bawat aktor, bawat aktres, kailangang magsolo, para parehong mag-grow. And both of us are aiming for good mature roles in the future at hindi naman ito hinahadlangan ng family ni Jolina, kahit si Jolina mismo. Kung para rin naman sa ikakaganda ng careers namin ang intensiyon ko, hindi naman dapat o tama na paratangan akong walang utang na loob, di ba? But like what I've said nga, hindi pa rin ako ready para magsolo. Masyado pa kasing maaga. Kailangan pa rin namin ang isa't isa para sa aming mga career. And I don't deny the fact na wala pa rin namang gaanong napapatunayan ang team-up namin. Takot pa rin akong mag-isa. Kasi, hindi ko rin naman alam kung ano ang mangyayari sa akin. But in some ways, sa mga pagkakataong ganito, kailangan nating harapin ang kung ano mang mabigat na pagsubok na dumarating sa ating buhay para tayo maging matatag. Sana'y malagpasan ko ang lahat ng ito. At sa mga detractors ko, gagawin kong inspirasyon ang mga sinasabi ninyo para na rin sa aking sariling kapakinabangan," makahulugang pagwawakas ni Marvin.


AUGUST 1998