As expected, idinenay ni Marvin Agustin ang isyung nabalitaan namin na kaya na niyang mag-solo at hindi na niya kailangan ang ka-loveteam na si Jolina Magdangal.
'Yun kasi ang isyu, Na may "press release" ang kampo ni Marvin na puwede nang tumayong mag-isa si Marvin kahit wala ang suporta ni Jolina. Isyung nag-react daw ang kampo ni Jolina.
Kaya sa prescon ng Labs Kita ... Okey Ka Lang? ay sinabi ni Marvin na hindi 'yon totoo at balang araw naman, napag-usapan na rin nila ni Jolina, na kailangan rin nilang magsolo para hindi sila masyadong identified sa isa't isa.
So 'yon po ang kanilang side, ano ngayon ang masasabi mo?