MARVIN: WALANG UTANG NA LOOB?

by: Jun Reyes (Star Talk Movie Magazine 08/24/98)



Kung kailan malapit nang ipalabas ang pelikula nina MAJ ay saka pa isa-isang naglabasan ang mga negative issues tungkol sa kanilang dalawa.

Kagaya na lang ng kawalan umano ng utang na loob ni Marvin dahil sa kabila ng tulong na nagawa ni Jolina upang umangat ang career niya ay tinangka pa raw niya itong talikuran dahil sa plano umano niyang magsolo na lamang?

"Actually, mas marami pang mahahalagang bagay ang dapat gawin at asikasuhin namin ni Jolina kaysa intindihin ang mga negative issues na sinasabi niyo. Pero gusto kong linawin na kahit sino namang artista ay naghahangad na magkaroon ng sariling identity hindi ba? Dahil alam naman nating lahat na walang loveteam na nakaka-survive nang matagal na panahon. One day, I believe na kailangang ma-achieve namin 'yon pareho ni Jolina. Ang magkaroon kami ng kani-kanyang identity. Pero hindi ko naman sinasabing ngayon na 'yon. I admit naman na at this point in time, kailangan pa naming magtulungan ni Jolina. But in the future, maybe, gaya nga ng sabi ko, sino ba namang artista ang hindi nangangarap makatayo sa sarili niyang paa hindi ba?" makatwirang pahayag ni Marvin.


AUGUST 1998