LABS KITA, OKEY KA LANG SHOOTING

by: Joey Diego (Kislap Magazine 08/17/98)



August 26 na ang showing ng Labs Kita, Okey Ka Lang.

We had a great time visiting their shooting at Antipolo wherein kinunan nila 'yung "daya scenes na hindi nila nakunan sa Baguio since ulan ng ulan doon nung nagshooting sila. Nadatnan naming nagbibigay ng instruction si Direk Jerry at kahit mainit ang panahon, hindi mo kakikitaan ng reklamo ang mga artistang kasama sa pelikula.

Sa eksena'y sina marvin at Vanessa ang magkapareha, samantalang sina Gio naman at Jolina. Sa puntong 'yun, doon namin biniro si Marvin kung hindi ba siya nagseselos kay Gio sa eksenang sweet na sweet ang dalawa.

"Selos nga ako, 'no! Dapat ako ang nasa tabi ng aking may labs. Biro lang! Kasama kasi 'yan sa istorya na supposed to be ay sila ang nagkakagustuhan, ako naman saka si Vanessa. Pero in the end, mare-realize namin na iba pala 'yong mga mahal namin, kami ni Jolina ang magkakatuluyan sa huli. Panoorin niyo!" sey ni Marvin.

Samantala, lalo pang pinaganda ni Direk Jerry ang movie dahil launching movie nga ito ng dalawa, naipangako niya sa amin na mas pagagandahin niya ito kesa sa mga naunang pelikula ng dalawa na siya rin ang nagdirek, this time mas kilig at mas nasa kanila ang sentro ng istorya kaya siguradong papatok ito sa takilya. Good vives naman ang mga taga-Star Cinema na kikita ito nang husto tulad na lang ng pelikula ni Claudine-Rico-Diether na humahataw nang husto sa takilya. With the good tandem of MAJ, siguradong another hit na naman ito.


BEHIND THE SCENE PICTURES

AUGUST 1998