Matindi ang kumpetisyon sa showbiz, kung tutulug-tulog ka ay magigising ka na lamang isang araw na hindi na pala ikaw ang tinitilian at pinapalakpakan ng mga dating umiidolo sa yo. Paano kaya kung dumating ang panahong kailangan nang magbago nang image si Marvin?
"Ang action kasi, mahabang preparasyon. Paghihirapan mo nang husto at kailangang i-develop mo ang katawan mo. Ganoon din naman sa drama at comedy, kailangang ibuhos ang kaya mo."
Paano kung sexy ang role ang i-offer sa 'yo?
"Tatanggapin ko ang role na sexy, ayokong isara ang door ko para sa mga ganitong project. Hindi dahil sa lumalamlam o bagsak ang career ko, kung kailangan sa istorya, why not? Kung magiging madalang ang mga projects ko, siguro ay haharapin ko na muna ang pag-aaral. Gusto ko kasing mag-aral ng filmmaking abroad, I will go into directing kung sakaling makatapos na ako. Dati talaga, wala akong hilig mag-artista. Mas gusto kong maging writer, mas may puso, di ba? Kaya lang, when I entered showbusiness parang nakaka-encourage yung makita mo 'yong dating mga aktor na nagdidirek na rin like Richard Gomez, Joel Torre, Michael de Mesa and Ricky Davao. Nang makasama ko si Joel Torre, wow, masaya palang mag-work sa mga veteran actor na kagaya niya. Si Chat Silayan parang kapamilya na rin namin."
Bukas na akolat na nga ang nangyari sa kanyang ama na ngayon ay nasa piitan pa rin at manaka-nakang iniintriga pa rin nang mga writer na walang magawa.
"Kahit kailan ay hindi ko itinago ang nangyari sa tatay ko, wlal akong binabanggit sa kahit na sinong tao dahil katuwiran ko, pribadong buhay na namin ito, eh. Hindi kami masyadong nagkikita ngayon dahil masyado akong naging busy lately. Kagagaling ko pa lang sa States para sa ating Centennial celebration doon pagkatapos nang umuwi ako, umakyat naman kami sa Baguio kaya hindi kami nagkikita pero siyempre, 'andoon pa rin yung suporta ko sa tatay ko. Ang nangyari kasi noon, hinalungkat na nga nila ang buhay ko ginawan pa nila ng kuwentong hindi maganda. Tapos sasabihin nila ginagamit ko ang tatay ko, mali naman 'yon," himutok ng binata.
Marami na ring nagampanang role si Marvin, masasabi ba niyang nakagawa na siya nang dream role na pinapangarap niya?
"Marami na rin akong nagawa pero hindi pa lahat, eh. Mas gusto kong ulitin 'yong paborito kong nagawa ko na like sa Star Drama 'yong role ko na retarded, 'yon ang gusto ko."
Ano ang masasabi niya sa response ng mga tao ngayon sa kanya?
"Natutuwa ako, kapag lumalabas na ako sa stage, isinisigaw nila 'yong pangalan ko sa drama series namin Esperanza, alam nila ang show, nanonood sila. So far so good ang takbo ng career ko, 'yong planado ang mga guesting ko at magagandang projects ang mga tinatanggap ng manager ko," pagtatapos ni Marvin.