ONE WOMAM MAN

by: Ernel P. Remos (Kislap Magazine 08/17/98)



Isang umaga 'yon nang masorpresa kami sa ginawang pagbisita ni Marvin Agustin sa aming Kislap office. Mahirap na ngang makausap nang basta-basta si Marvin dahil na rin sa kabi-kabila nitong appointments pero hindi pa rin kami binigo ng binata para sa isang maikling interview na hiniling namin sa kanya.

Nakita namin kung paanong umangat si Marvin sa puwestong kinalalgyan niya ngayon bilang artista. Sipag, tiyaga at determinasyon ang naging puhunan ng binata sa tinatamasa niyang kasikatan ngayon.

"Natutuwa ako dahil kahit papaano ay nakilala na rin ako, salamat sa mga tumutulong at patuloy na sumusuporta sa career ko," entrada ni Marvin sa amin.

Malapit nang i-showing ang Labs Kita, Okey Ka Lang, ang pelikulang maglulunsad sa kanila ni Jolina bilang loveteam sa darating na dekada kaya patuloy pa ring nagiging makulay at nagkakaroon nang lalim ang kanilang samahan na 'di malayong mauwi sa tunay na pagmamahalan.

"Actually, madalas nga kaming magkasama ngayon ni My Labs. for straight a month kaming nag-shooting sa Baguio pagkatapos, pagbaba namin dito, nag-taping naman kami ng Onli In Da Pilipins."

Hindi na raw basta kaibigan ang turingan nila ni Jolina?

"I could say na more than friends na nga siguro dahil almost 2 1/2 years na rin kaming magkasama, more or less ay kabisado na rin ang isa't isa. Hindi na kami nahihirapang gumawa ng teknik dahil nagdya-jive na 'yong acting naming dalawa."

Maramin na ring loveteam, ang nagdaan at ito ang naging tuntungan ng mga artistang dumaan dito upang lalo pa silang makilala. Ang loveteam daw nila ni Jolina ang hinuhulaang papalit sa tronong binakante nina Maricel Soriano at William Martinez.

"Mahirap mag-compare, bago pa lang 'yong loveteam namin ni Jolina kaya hindi ko masabing kami na nga ang papalit sa loveteam nina Ate Maricel at Kuya William. Marami pa kaming dapat matutunan dahil walal pa kami sa kalingkingan nila."

Sa tinagal-tagal niya sa showbiz ay tipong si Jolina lang yata ang tanging babaeng naili-link sa kanya, wala ba siyang balak na tumingin sa iba?

"One woman man ako," ngiting sagot nito sa tanong namin.


AUGUST 1998