Kahit ano pa ang gawin nina MAJ, mahirap mapaniwala ang tao na wala pa silang relasyon. Halata sa kanilang kilos na something has already bloomed between them.
Ang kuwento sa amin, nang magpunta sa SF ang dalawa at saka nagsimula ang kanilang relasyon. Doon niligawan nang husto ni Marvin si Jolina. Hanggang pagdating nila sa Pilipinas ay sila na. Ipinaalam ito ni Marvin sa magulang ni Jolina pero hindi namin alam kung ano ang naging reaksiyon ng mga ito.
Pansinin ninyo ang identical ring na suot nila pareho. Marami ang hindi nakakaalam pero palaging suot ng dalawa ang kanilang singsing. Isang malinaw na patunay ito na talagang sila na.
Paumanhin kina Mr. and Mrs. Magdangal pero mukhang nahulog na rin ang loob ng kanilang dalaga sa binatang Agustin. Although unfair para sa mag-asawa na maakusahan na nakikialam sa love live ng kanilang anak.
Makatulong kaya ang katotohanang ito sa pagpapalabas ng launching ng loveteam nina MAJ, ang Loabs Kita, Okay Ka Lang? na malapit nang ipalabas. 'Yun ang malalaman natin.