MARVIN TALKS ABOUT JOLINA

by: Joey Diego (StarTak Movie Magazine 08/3/98)

Marami ang nagsasabi na sila na raw talaga ni Jolina. Ngayong ipapalabas na ang launching movie ng loveteam nila, wala pa rin ba siyang balak umamin sa tunay na score ng relasyon nila?

"You know, lahat naman ng mga balitang naglalabasan na kesyo kami na ni Jolina eh speculation lang ng mga writers. There's no truth about it. Pero I can't blame them naman dahil trabaho nila 'yun kaya nauunawaan ko sila. Pero ang totoo talaga eh wala namang dapat aminin dahil bagama't sinasabi kong we're more than friends ni Jolina pero we're not yet lovers pa rin. Basta nagkakagustuhan lang kami, ganu'n! 'Yung relasyon namin ni Jolina, walang formal commitment pero masasabi kong nandu'n 'yung love at pagke-care sa isa't isa!"

Sa isang interview, buong ningning na ipinahayag ni Jolina na hinihintay na lang nito na mag-propose siya at sasagutin na siya nito.

"Well, hindi ko alam kung totoong sinabi nga ni Jolina 'yun, pero ang totoo eh matagal na akong nag-propose sa kanya, matagal ko nang sinasabing gusto ko siyang maging girlfriend." pagtatapos ni Marvin.


AUGUST 1998