Tungkol pa rin sa nakaraang Showbiz Lingo Anniversary, may mga nagtatanong kung bakit daw feeling super sikat itong sina MAJ. Na nang papaalis na raw ang mga ito ay kinakailangan pang pumagitna sa barikada ng mga security guards.
Gayong ang isang Maricel Soriano ay walang pakialam na naglalakad lang sa gitna ng mga nagkakagulong fans. Hindi na umano nag-request ng sandamakmak na sikyo para umalalay sa kanya.
Natatawa lang naman si Marvin nang usisain namin 'yon sa kanya. Hindi naman nila umano ni-request na mapalibutan sila ng mga security guards.
"Actually, medyo nagkagulo kasi dahil may mga nagpapapirma ng autograph at 'yong mga picture-picture-taking. Napansin ng mga guards na naba-block na 'yong daanan. Kumbaga pinatigill nila 'yon at tinulungan kaming makalabas na sa pagkakagulong 'yon. Hindi kami mga feeling supersikat ni Jolina. Sobra naman 'yon. Eh, ni hindi nga kami umaangal kahit naiipit na kami sa nagkakagulo't nagsisiksikang crowd, ano?" nasabi pa ng young actor.