Still on Marvin, sayang at hindi na ulit kami nagkaroon ng chance na muling mahingan siya ng reaksiyon. Kasi'y may bago kaming balitang nasagap na kamakailan lang ay nag-date pala sila ni Claudine Baretto.
Ang kuwento nga ng aming source, nagkita sina Marvin at Claudine sa recording studio ng ABS-CBN. Nagkayayaan umano ang dalawa na kumain sa Cilantro Restaurant. Pagkatapos ay tumuloy sila ng Louie's THX para manood ng Dreams
After that, nagpunta naman sila sa Winner's Bar sa Makati. And what a coincidence naman dahil nakita nila roon na magka-date rin daw itong sina Marjorie Baretto at Dennis Padilla. Ang sumunod na eksena --- parang double date na raw ang naging drama ng mga ito.
Alam na kaya ni Jolina Magdangal ang tungkol dito?