For this week's forum, alamin natin kung ano ang mga bagay na makapagpapalambot ng puso ng ating mga kabataang artista.
This article is edited.
MARVIN AGUSTIN: "Ako, I don't expect so much from the people. Siguro dahil na rin sa experiences ko earlier in life. Masakit kasi kapag nag-expect ka tapos walang nakaalala, eh. So para sa akin, tama na 'yung naa-appreciate mo ang trabaho ko at ang mga ginagawa kong magaganda, a simple thank you will do."
JOLINA MAGDANGAL: "Lumalambot ang puso ko kapag nakakakita ako ng mga matatanda na nasa ampunan o nasa lansangan na walang mga family. Naawa kasi ako sa kanila. Greatest fear ko kasi ay iyong mawala ang mga parents ko kaya naiisip ko pag nakakakita ako ng matatanda na hindi kasama ang mga anak nila, o pamilya nila, kung paano natitis noong family nila na ihabilin sila at ipagkatiwala sa iba, smantalang nanay o tatay nila ang mga iyon."