MARVIN IN DAVAO WITH MANILYN AND CAMILLE

by: Joey Diego (Moviestar Magazine 08/05/98)



Dinagsa ng maraming tao ang Victoria Mall sa Davao City nang bisitahin namin nina MARVIN AGUSTIN, Manilyn Reynes at Camille Prats ang nasabing lugar para sa promo tour ng Nido Instant Milk. Sa pag-iimbita ni June Rufino, nag-enjoy namin ang trip na 'yon bagama't para lang kaming namasyal sa Pampanga dahil balikan ang trip na ginawa namin.

Maaga kaming umalis sa Manila sakay ng PAL. Pagdating sa Davao, kaagad kaming nag-motorcade at radio tour. Konting pahinga lang, nagsimula na ang show ng 3:00 p.m. Eksaktong 4:15 ng matapos ang show kung saan enjoy na enjoy ang mga Davaoenos dahil first time nilang nakita su'n si Camille at second time na ni Marvin at madalas naman doon si Manilyn lalo na nu'ng kasikatan pa nito. Pagkatapos ng show, deretso kami ng Davao Airport pabalik ng Manila. Eksaktong 7:15 na lumipad ang eroplano pabalik ng Manila.

Naging memorable sa amin ang trip na 'yon dahil para lang kaming namasyal sa Pampanga. Here are the pictures taken from Davao. Kayo na lang ang bahalang humusga kung papaano dinumog doon ang tatlo.


PICTORIAL COVERAGE


AUGUST 1998