Parehong kakaba-kaba sina MARVIN AGUSTIN at Jolina Magdangal kaugnay ng nalalapit na showing ng kanilang first solo movie'ng Labs Kita, Okay Ka Lang? ma idinirehe ni Jerry Sineneng. Although maganda naman ang istorya nito't kabuuan na muli'y magpapakilig sa puso ng mga young people in love, ayaw pa ring magsiguro ng dalawa na papatok nga ito nang husto sa takilya.
Pati ang mga taga-Star Cinema ay gustong makasigurong magiging box office hit ito. Kaya nag-go sila sa mga eksenang may lips to lips sina Marvin at Jolina.
Kailangan umanong makasiguro na there will be a lot na puwedeng abangan ang moviegoers, bukod do'n sa mga ka-in love-in love na lambingan ng magka-love team on screen at 'yong mga dramatic highlights ng mga ito. for the first time, nakumbinsi si Jolina na mag-bathing suit sa isang beach scene samantalang si Marvin ay skimpy swimming trunks ang suot.
Kunsabagay, tama lang na unti-unti na ring mag-mature ang dalalwang sikat na teenstar sa mga roles na kanilang ipinu-portray. At dito nga sa pinakabagong offering ng Star Cinema, ibang-ibang Marvin at Jolina ang pagagalawin sa wide screen.
And because of that, unti-unti'y nabi-build na rin ang curiosity ng marami na abangan ang movie nilang ito.