Punong-puno ng kaba at tensiyon si Marvin Agustin sa launching movie nilang dalawa ni Jolina Magdangal na may titulong Labs Kita, Okay ka lang ng StarCcinema. "Dito kasi huhusgahan ang love team namin ni Jolina. Ngayon mapapatunayan kung click ba ang love team namin o hindi. Napakataas pa man din ng expectation sa amin ng mga tao kaya natural lang na kabahan kami. Pagdating sa box office, doon kami nati-tense. Kapag sumemplang kase ito ay tiyak na lagot ang love team namin ni Jolina," Katwiran ni Marvin...
Naniniwala ba si Marvin na first and last card nila ito ni Jolina? Dito kase nakaksalalay ang movie carrer nilang dalawa. "Actually, totoo 'yan. I believe first and last card namin ito. Kaya panay ang dasal ko . Dinaraan ko na lang ang lahat sa dasal. You know why? malaking tulong din kase sa career namin ang movie na ito. In case kumita ito, siguradong marami pa kaming pelikulang gagawin ni Jolina, Pero kaya nag flop ito, malaki naman ang hatak nito sa pagbagsak ng career namin ni Jolina." Pananaw pa ni Marvin.
Ang nakakatakot pa, kasabay ng movie nina Judy Ann Santos at Onemig Bondoc ang showing ng movie nila Marvin at Jolina. "Pukpukan talaga ang labanan," ang pabuntunghininga pa ni Marvin. "But we have no choice dahil hindi na kami puwedeng umatras. Kung ako lang ang masusunod, ayaw kong makatapat ang movie ni Juday sa showing ng movie namin dahil wala kaming kalaban-laban sa kanya. Juday is Juday! Sikat at maraming fans. Kami ni Jolina, kahit na pagsamahin kami ay hindi talaga siya kayang pataubin. Wala kaming laban sa kanya. She's the hottest young actress in our local cinema. Kaya feeling namin isang napakalaking higante ang kalaban namin. Pero trabaho nga lang sa amin. We don't care kahit na magkatapat ang showing ng movie namin." Ang tsika pa, pareho raw nakiusap sina Jolina at Marvin kay Juday na huwag itapat ang movie niya sa luanching movie ng dalawa. At dahil nga parehong kaibigan ni Juday sina Marvin at Jolina, pumayag ang dalaga. Ang masama nga lang dito ay pinalabas ng kampo nina Marvin at Jolina na hindi sila nakiusap kay Juday tungkol sa nabanggit na usapin. Pinalabas ng dalawa na na move ang playdate ng movie nila dahil nagreshoot pa sila ng ibang eksena rito. But in fairness with Jolina and Marvin, mukhang mas totoo ang ikalawang katwiran lalo pa't nasa shooting kami ng movie nila nang kausapin namin sila. "Hindi pa talga tapos ang movie namin. In fact, nagre-shoot pa kami rito ng ilang eksena dahil meron pa kaming eksenang hindi natapos na importante sa movie namin. But for the record, totoong nakiusap kami ni Jolina kay Juday na huwag itapat sa showing ng movie namin ang showing ng movie niya. Ang kaso nga lang, huli na nang makiusap kami sa kanya dhil may playdate na talaga ang movie nito. Ang mga eksena ngang dinagdag dito ay ang kissing scene nina Marvin at Jolina! Kapansin-pansin kasing kulang sa kilig ang pelikula nila.
Masyado raw kasing maarte si Jolina. Kahit kissing scene raw ay ayaw pumayag ng dalaga dahil sa utos na rin daw ng magulang. Totoo ba ito?
"Maganda yung movie namin. Naniniwala ako na panonoorin ito ng mga tao dahil sa story at hindi sa kissing scene namin ni Jolina." "Right now, ayaw ko pa ring magsalita tungkol sa bagay na ito. Si Jolina, hindi naman talaga siya maarte, Siguro pinoprotektahan lang niya ang kanyang image kaya strict siya sa laht ng roles na ginagawa niya sa telebisyon at pelikula. Role model kasi si Jolina, diba? Kumbaga, maganda ang image niya sa kabataan. Ayaw niyang sirain yon kaya ingat na ingat siya sa kanyang image. Pero nauunawaan ko nga siya. At hindi big deal ang lahat ng kagustuhang ginagawa niya sa aming pelikula. I just hope nga na tangkilikin ng mga tao itong movie namin. Suportahan naman nilatito once mapapalabas sa sinehan." ang huling nawika na lang ni Marvin.