Naurong ang showing ng pelikulang Labs Kita, Okay Ka Lang na pinagbibidahan nina Marvin Agustin at Jolina Magdangal mula sa nauunang playdate nito. Malinaw din na ibig sabihin nito ay hindi na nila makakatapat sa takilya ang Juday-Onemig starrer. Pero hindi totoo ang balitang nag-bive way ang sila kundi ang totoong kadahilanan nito ay nagkaroon ng problema ang movie sa MTRCB. Ayaw kasi nilang i-review ang isang pelikula hangga't hindi pa ito tapos. Hanggang ngayon kasi ay may ilang eksena pang kinukunan mula sa pelikula, na maski kami ay ang akala namin ay tapos na ito.
Ayon sa dalawa, nang dalawin sila sa Antipolo kung saan kinunan ang pictorial coverage namin sa kanila ay kinakailangan daw nilang magdagdag pa ng ilang eksena para mas lalong gumanda ang takbo ng istorya.
Dinatnan namin sila sa kainitan ng araw habng dinidirek sila ni Jerry Sineneng at nang magkaroon kami ng pagkakataon ay tinanong namin sila kung bakit paiba-iba 'yung titulo ng movie nila?
"Kami rin ay hindi namin alam, ang Star cinema kasi ang nagdi-decide pagdating sa bagay na 'yon. But this time ay final na talaga ang titulong 'yon at hindi na nga mababago. Hango kasi 'yon sa tawagan namin sa isa't isa ni Jolina na 'labs'" sabi pa ni Marvin.
Samantala, nagpaliwanag naman si Jolina tungkol sa isyung natakot daw silang tumapat sa Onemig-Judai movie kaya sila umurong.
"No. Hindi naman yun ang rason, it's just that nagkaroon lang talaga ng problema sa screening sa MTRCB. Kapag natapos na ito at ready na for review ay tiyak na ipalalabas na ito sa August 26. Final na talaga ;yon kaya sana ay abangan nila. Hindi kami natatakot dahil kahit paano ay may napatunayan na rin naman kami," sabi ni Jolina.
Kapwa namin kinulit ang dalawa tungkol sa nap0apabalitang umamin na raw sila tungkol sa kanilang totoong relasyon.
"Hindi! Wala kaming inaamin, hindi pa talaga kami and all we can say is that right now ay very close talaga kami to the point na may mutual understanding na kami," ayon pa kay Marvin.