Kung noon ay napaniwala ang fans na mag-sweetheart sina MAJ, ngayon ay hindi na dahil mismong si Jolina'y sinabi nitong friends lang sila ng kanyang ka-loveteam sa pelikula.
"BF ko lang si Marvin sa harap ng kamera, but in real life, wala talaga kaming relasyon. Sinasabi ko ang totoo dahil ayokong lokohin ang aming fans. Pang-pelikula lang ang sweetness namin. Ibinibigay lang namin ni Marvin ang tunay na karinyo dahiao yon ang hinihingi ng papel na aming ginagampanan sa harap ng kamera. As a loveteam, ipakita niyo sa publiko na sweet kayo nagmamahalan kayo, etc. Ginawa namin ni Marvin ang aming role. Pero ang totoo noon pang-pelikula lanag iyon at di sa totoong buhay," pagsasalaysay ni Jolina sa real score tungkol sa tunay na relasyon nila si Marvin.
Ngayong magkapareha ang dala sa pelikulang "Labs Kita, Okey Ka Lang," ng Star Cinema, patutunayan nina MAJ na toong nagmamahalan sila.
"Sasabihin sa akin ni Marvin na, "Labs kita" isasagot ko naman sa kanya "Okey Ka Lang?" Pero sa totoo lang, ang sweet-sweet namin ni Marvin sa pelikulang, iisipin niyong napaka-perfect ng relasyon namin bilang mag-siyota, pero sa pelikula lang ito at di sa totoong buhay" say pa ni Jolina.
Kasama rin sa "Labs Kita ..." sina Vanessa del Bianco, at Gio Alvarez. This is directed by Jerry Sineneng.