Nabubuko na yata ang tunay na realsyon nina MAJ. Mukhang di lang sila magkaibigan kundi mag-labs pa. Very sweet na akala mo'y matamis sa baong 'di puwedeng hindi langgamin. Kung nakita niyo lang kung paano inaalalayan ni Marvin si Jolina sa presscon ng kanilang movie na "Labs Kita, Okey Ka Lang?" mistula siyang babasaging kasangkapan na iniingatan ni Marvin.
Anyway, sinabi naman noon ni Marvin na "I love her so much" na ang ibig sabihin ay umiibig ka sa isang tao nang puso sa puso. saka inamin naman ni Jolina na basta nami-miss niya si Marvin kapag di ito nakikita. Para sa kanya, a shoulder to cry on daw niya ang binata, hingahan ng sama ng loob at mga problema. Masarap kausap at buong pusong nakikinig sa kanyang mga kuwento. Hmmmm... magtitiyaga ba si Marvin nang walang dahilan?
Naku, baka nga tuluyang magalit ang madir ni Jolina na ang balita noon ay di niya type na laging kasama ng kanyang anak si Marvin. Pero paano naman di sila magkakasama , e, sila ang love team sa pelikula at sa TV?